Nagpatupad na ng malakihang dagdag sa presyo ng kanilang liquified petroleum gas (LPG) ang Petron.
Sa abiso ng kumpanya, epektibo simula kaninang alas-12:01 ng hatinggabi ay may dagdag na P2.90 kada kilo ang presyo ng kanilang cooking gas.
Nangangahulugan ito ng halos P32 na dagdag sa 11-kilogram cylinder ng LPG.
Ang auto-LPG din ng Petron ay tumaas ng P1.65 sa kada litro.
Samantala, ang Solane naman ay magpapatupad ng P2.60 kada kilong pagtaas sa presyo ng kanilang LPG.
Epektibo ang price hike ng Solane alas-6:00 mamaya.
Ang pagtaas sa presyo ng LPG ay dahil sa pagtaas ng international contract price para sa buwan ng Marso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.