Niyanig ng magnitude 3.9 na lindol ang Nueva Vizcaya kaninang alas-4:47 ng hapon.
Sa impormasyong inilabas ng Phivolcs ngayong alas-10:48 ngayong gabi, naitala ang episentro sa layong 15 kilometro Timog-Kanluran ng bayan ng Ambaguio.
May lalim itong tatlong kilometro at tectonic ang dahilan.
Naramdaman ang intensity III sa Sugpon at Gregorio del Pilar sa Ilocos Sur.
Habang Intensity II naman ang naitala sa Baguio City.
Hindi naman inaasahang nakapinsala sa ari-arian ang lindol.
Hindi na rin inaasahan ang mga kasunod pang pagyanig o aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.