Año sa bagong SWS survey: ‘Good challenge” para sa pulisya

“It’s a good challenge for the police force.”

Ito ang reaksyon ni Interior Secretary Eduardo Año sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagsabing hati ang mga Pilipino sa isyu na nanlaban ang mga drug suspects na napatay sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

“Ito’y masasabi nating magandang challenge sa ating kapulisan na patunayan sa ating mga mamamayan na ang ginagawa ng ating kapulisan ay ayon dun sa rule of engagement at saka in accordance with the law,” pahayag ng Kalihim sa media matapos ang national anti-corruption summit sa Pasay City araw ng Huwebes.

Ayon kay Año, ang survey ay feedback galing sa mga mamamayan na magiging paraan para masuri ang performance ng pulisya kaya welcome anya sa kanila ang survey.

Kaugnay naman sa resuta na mas marami ang naniniwala na sangkot ang ilang pulis sa kalakalan ng droga at extra-judicial killing, sinabi ng opisyal na minsan sa survey ay may leading question para itinutugma sa gustong lumabas na resulta.

Gayunman anya ay patuloy ang commitment ng DILG at Philippine National Police (PNP) sa pagpapabuti ng imahe at trabaho ng mga pulis.

Read more...