DND hindi pipigilin ang patriotism trip ng mga kabataan sa Kalayaan Island

kalayaan
Inquirer file photo

Nilinaw ni Defense Secretary Voltaire Gazmin na hindi nila pinagbabawalan ang libu-libong mga estudyante na nagbabalak magtungo sa Kalayaan Island na bahagi ng Spratlys.

Pero ayon kay Gazmin delikado ang maglayag ngayon patungo sa Kalayaan Island dahil sa kundisyon ng karagatan at kailangan isalang-alang ang kaligtasan ng mga kabataan na pamumunuan ni Magdalo leader Nicanor Faeldon.

Sinabi ng kalihim na nakatutuwang malaman ang pagmamahal ng mga kabataan sa bayan pero kanyang ipinaliwanag na walang military assets na gagamitin sa nasabing patriotism trip.

Ipinaalala din ni Gazmin na may nakabinbin pang kaso ang Pilipinas kontra China kaugnay sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Binanggit din nito na maging si Kalayaan Island Mayor Eugenio Bitonoon ay hindi pabor sa naturang balakin dahil delikadong magbiyahe at hindi kakayanin ng kanilang isla ang accomodation ng libo-libong mga kabataan.

Nauna nang inanunsiyo ni Faeldon ang kanyang balakin para ipakita sa China na teritoryo ng Pilipinas ang Kalayaan group of islands.

Read more...