Pulis patay, isa pa sugatan sa enkwentro sa NPA sa Mindoro Oriental

By Len Montaño February 28, 2019 - 10:47 PM

Patay ang isang pulis habang sugatan ang isa pa sa sagupaan sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Gloria, Oriental Mindoro Huwebes ng gabi.

Ayon kay Supt. Socrates Faltado, Mimarop police information officer, nagkaroon ng ng 30 minutong enkwentro sa Sitio Layan Layang sa Barangay Malamig alas 6:17 ng gabi.

Nasawi sa sagupaan si Police Officer 3 Edwin Encarnacion ng 2nd Provincial Mobile Force Company.

Habang ang nasugatang pulis ay si PO3 John John Morente.

Ang bakbakan ay kasunod ng pag-atake ng grupo ng mga rebelde sa Sta. Clara International Corporation, isang hydro power plant project sa Barangay Malvar sa bayan ng Naujan.

Sinunog ng mga rebelde ang heavy equipment na pag-aari ng kumpanya.

TAGS: Ang bakbakan ay kasunod ng pag-atake ng NPA sa isang hydro power plant project sa bayan ng Naujan, bakbakan, enkwentro, Gloria, hydro power plant project, NPA, Oriental Mindoro, patay, Pulis, rebelde, sagupaan, sugatan, Ang bakbakan ay kasunod ng pag-atake ng NPA sa isang hydro power plant project sa bayan ng Naujan, bakbakan, enkwentro, Gloria, hydro power plant project, NPA, Oriental Mindoro, patay, Pulis, rebelde, sagupaan, sugatan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.