Kampanya sa paglilinis ng Manila Bay muling binuhay

By Jan Escosio November 26, 2015 - 07:51 PM

Philippine-Coast-Guard-0114
Inquirer file photo

Umabot sa 32 city at municipality mayors kasama ang halos isang daang kinatawan mula sa mga lokal na pamahalaan sa Central Luzon, Calabarzon at Metro Manila ang nangako na tutulong sa paglinis sa Manila Bay.

Ang mga lokal na opisyal ay nanumpa kay Interior Sec. Mel Sarmiento bilang suporta sa Manila Bay-anihan project.

Ibinalita ni Sarmiento na sa unang bahagi ng taon ay 89-percent ng 60,000 na mga commercial establishments sa tatlong nabanggit na rehiyon ang nabisita na ng mga Local Government Units at sinuri ang kanilang waste water treatment facilities, hygienic septic tank.

Pati ang mga pabrika ay kanilang ininspeksyon kasama na rin ang ilang mga kabahayan na direktang nagtatapon ng mga basura sa mga waterways.

Binangggit din ng opisyal na mahalagang masimulan ang proyekto para muling maibalik ang maayos na kalagayan ng Manila Bay.

TAGS: Bayanihan, DILG, Manila Bay, Maynila, Bayanihan, DILG, Manila Bay, Maynila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.