Ito ay bunsod ng tumitinding tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Sinabi rin ng kagawaran na iwasang pumunta sa Himalayan region ng Kashmir kung saan sumiklab ang engkwentro, Huwebes ng umaga.
Sa inilabas na pahayag, umaasa ang DFA na mapipigilan ng India at Pakistan ang gulo sa kanilang lugar.
Patuloy naman ang pag-monitor ng kagawaran sa sitwasyon sa mga nasabing bansa.
Ayon sa DFA, walang nakatirang Pinoy sa Kashmir region.
Gayunman, mayroong pitong Filipino military observers kasama ang United Nations Military Observer Group in India and Pakistan (UNMOGIP).
Tiniyak naman ng DFA na ligtas ang pitong Filipino military observers kasama ang 1,780 Filipino sa Pakistan at 1,167 sa India.