Gatchalian, pinatitiyak sa LTFRB na may Pantawid Pasada cards ang jeepney operators

By Jan Escosio February 28, 2019 - 07:44 PM

Gusto ni Senador Sherwin Gatchalian na makinabang ang lahat ng jeepney franchise holders sa bansa sa Pantawid Pasada Program.

Ito ay matapos tumaas sa P20,000 mula sa P5,000 ang ibibigay na fuel subsidy sa mga public utility vehicles.

Nadismaya si Gatchalian na noong nakaraang taon kung saan tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo, 87,000 lang sa 173,000 na benepisaryo ng programa o 50.29 porsyento lang ang nakatanggap ng kanilang fuel cards.

Nais ng senador na tiyakin ng LTFRB ang 100 porsiyentong distribusyon ng fuel subsidy cards.

Pinansin ni Gatchalian ang pagdaing muli ng jeepney operators sa sunod-sunod na pagtaas ng halaga ng krudo at aniya, hindi na dapat hintayin pa ng LTFRB na maglunsad ng malawakang tigil-pasada ang mga jeepney operators at drivers para sila ay pansinin.

TAGS: fuel subsidy, jeepney operators, Pantawid Pasada Program, Sherwin Gatchalian, fuel subsidy, jeepney operators, Pantawid Pasada Program, Sherwin Gatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.