PLDT, iginiit na walang utang na P8B sa gobyerno

By Chona Yu February 28, 2019 - 06:42 PM

Pinabulaanan ng negosyanteng si Manny Panglinan na may utang sa gobyerno na P8 bilyon ang kanyang kumpanya na Philippine Long Distance Telephone company  (PLDT).

Sa ambush interview sa inagurasyon ng NLEX harbor link project sa Caloocan City, sinabi nito na sa kanyang pagkakalaam, nagbabayad nang maayos na buwis ang kanyang kumpanya sa gobyerno.

Wala aniyang utang ni isang kusing ang PLDT sa gobyerno.

Ayon kay Pangilinan, hindi niya alam kung saan nakuha ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang halaga.

Kasabay nito, sinabi ni Pangilinan na dinagdagan na ng 20 linya ng PLDT ang kasalukuyang 20 linya ng hotline 8888.

Bahala na aniya ang gobyerno sa paglalagay ng manpower.

Una rito, nagbanta si Pangulong Duterte na kanyang ipasasara ang PLDT kapag hindi dinagdagan ang linya ng hotline 8888 dahil sa palaging busy at kapag hindi nagbayad ng utang na P8 bilyon.

TAGS: BUsiness, hotline 8888, Manny Panglinan, pldt, utang, BUsiness, hotline 8888, Manny Panglinan, pldt, utang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.