Prangkisa ng PUVs na lalabag sa campaign rules, posibleng makansela – LTFRB
Posibleng maharap sa suspensyon o kanselasyon ang prangkisa ng mga public utility vehicle (PUV) kapag nahulihang lumabag sa campaign rules.
Sa press briefing ng paglulunsad ng “Oplan Baklas,” sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Martin Delgra na posible itong mangyari kung hindi susundin ang itinakdang guidelines ng Commission on Elections (Comelec) pagdating sa campaign materials.
Maliban dito, dapat din aniyang sundin ng mga PUV ang batas ng LTFRB pagdating sa advertisements.
Kabilang dito ang pagkuha ng advertising permit at pagbabayad ng advertisement fee.
Sa mga mahuhuling PUVs, kinakailangang magbayad ng P5,000 kung first offense at suspensyon o kanselasyon na ng prangkisa kung ilang beses nang lumabag.
Samantala, nilinaw naman ni Delgra na hindi ma-iimpound ang mga sasakyang mahuhuling lumabag sa campaign rules.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.