Mga kritiko dapat na sisihin sa death threats na natatanggap ng mga obispo

Binweltahan ng Palasyo ng Malakanyang ang mga kritiko na na naninisi kay Pangulong Rodrigo duterte sa death threats o pagbabanta sa buhay na natatanggap ng mga Obispo ng simbahang katolika.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, minamanipula at sinakyan ng mga kritiko ang biro ni Pangulong Duterte na holdapin at patayin ang mga obispo.

Sinabi pa ni Panelo na sinasadya ng mga kritiko na pasamain ang imahe ng pangulo at bigyan ng malisya ang mga pahayag nito.

Pinakakalma ni Panelo ang mga obispo dahil walang balak ang pamahalaan na saktan ang mga kagawad ng Simbahang Katolika.

Kaisa aniya ang pamahalaan sa simbahan sa paglaban sa kasamaan sa lipunan.

Una rito, sinisisi nina Senators Risa Hontiveros at Leila de Lima si Pangulong Duterte sa death threats na natanggap ni CBCP Vice President Bishop Pablo David at iba pang mga pari dahil sa panghihikayat noon sa mga adik sa bansa na holdapin, pukpukin ng tubo sa ulo at patayin ang mga obispong palakad-lakad sa kalye.

Read more...