Mahigit P4M halaga ng shabu nakumpiska sa magkakahiwalay na buy-bust sa Cebu City
Sa loob lamang ng walong oras umabot sa mahigit P8 milyon na halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng mga otoridad sa Cebu City.
Ikinasa ng mga tauhan ng Regional Special Operations Group sa Central Visayas (RSOG -7), Regional Intelligence Division (RID) ng Police Regional Office Central Visayas (PRO -7), at Philippine Drug Enforcement Agency Central Visayas (PDEA -7) ang magkakahiwalay na operasyon.
Sa Barangay Tisa, nadakip ang suspek na sina Arniel Jhon Abella at Michelle Mahinay, kapwa 29 anyos.
Ayon kay Chief Insp. Ronald Tero, hepe ng RSOG-7, sina Abella at Mahinay na magkasintahan ay nakuhanan ng 100 gramo ng shabu na tinatayang P670,000 ang halaga.
Nailigtas din ang 15 anyos na menor de edad na kasama ng dalawa nang ikasa ang operasyon.
Makalipas ang dalawang oras, nadakip naman ng mga pulis ang suspek na si Allan Gemal Terrafranca.
Si Terrafranca umano ang pinagkukunan ng shabi nina Abella at Mahinay.
Nakuha kay Terrafranca ang ilegal na droga na nagkakahalaga ng P2 milyon sa kaniyang bahay sa Barangay Labangon.
Samantala, sa Barangay Labangon din nadakip naman ang suspek na si Ronald Cuizon Monto.
Nakuhanan siya ng P374,000 na halaga ng shabu.
Sa bahagi naman ng Barangay Mabolo, dala pang drug suspects ang nadakip ng mga pulis.
Ito ay matapos silang makuhanan ng 200 gramo ng shabu na ang halaga ay P1.360 million.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.