“Operation Baklas” ng Comelec at iba pang ahensya ng gobyerno, umarangkada na

Umarangkada na ang “Operation Baklas” ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan para pagtatanggalin ang mga labag na campaign posters ng mga kandidato.

Pawang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Comelec at Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nagsagawa ng “Operation Baklas” sa Metro Manila.

Kabilang sa mga sinimulang ikutan ang Mandaluyong, San Juan, Caloocan, Valenzuela, at Quezon City.

Sa ilalim ng Comelec Resolution 10488, ang campaign posters ay dapat two feet by three feet lamang ang sukat at dapat ilalagay lamang sa mga itinakdang common poster areas o private properties basta’t may consent ng may-ari.

Read more...