Chinese na nanghipo sa tatlong babae sa Pasay City inilipat sa Camp Bagong Diwa

By Dona Dominguez-Cargullo February 28, 2019 - 11:10 AM

Inilipat na sa Camp Bagong Diwa ang Chinese National na naaresto kamakailan dahil sa panghihipo umano sa tatlong babae sa Pasay City.

Biniktima ng suspek na si Zhang Yang, 19 nayos ang tatlong babae sa loob ng horror house ng isang theme park noong Pebrero 7.

Ayon kay National Capital Region police chief Director Guillermo Eleazar, sa bisa

ng court order, mula Pasay City Jail ay dinala na sa Metro Manila District Jail sa Camp Bagong Diwa ang dayuhan.

Nagtakda naman ang korte ng piyansa para kay Zhang na P36,000 kada bilang ng kasong acts of lasciviousness na kaniyang kinakaharap.

Sa ngayon ani Eleazar ay hindi pa nakakapaglagak ng piyansa ang suspek kaya nananatili sya sa Annex 2 ng Metro Manila District Jail.

TAGS: Camp Bagong Diwa, chinese national, Pasay City, Radyo Inquirer, Camp Bagong Diwa, chinese national, Pasay City, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.