Part 2 ng Aquaman opisyal nang inanunsyo

Opisyal nang inanunsyo ang pagkakaroon ng part 2 ng pelikulang Aquaman na pinagbidahan ni Jason Momoa.

Ang anunsyo ay ginawa ng Warner Bros. at sinabing ang target release date para sa sequel ng pelikula ay sa Dec. 16, 2022.

Ang writer na si Deavid Leslie Johnson-McGoldrick na co-writer din ng unang Aquaman ang susulat ng sequel.

Ang 2018 box office hit na DC film ay kumita ng mahigit $1 billion.

Sa ngayon nasa number 20 ito ng listahan ng highest global grosser.

Read more...