Batas sa pagtatrabaho ng mga dayuhan sa bansa dapat maipatupad ng tama – Angara

By Dona Dominguez-Cargullo February 28, 2019 - 11:27 AM

Kailangang maipatupad ng tama ang batas hinggil sa pagtatrabaho ng mga dayuhan sa bansa.

Sa programang Raw Talk sa Radyo Inquirer at Inquirer 990 TV, sinabi ni Senator Sonny Angara na malinaw naman ang nakasaad sa batas na ibibigay lang dapat ang trabaho sa isang dayuhan kapag walang kwalipikadong Filipino na kaya itong gawin.

Ang pahayag na ito ni Angara ay kasunod ng mga balitang dumarami ang Chinese workers sa bansa.

Sa mga basic na trabaho aniya na malinaw namang kaya ng mga Filipino ay dapat itong ibigay sa manggagawang Pinoy at hindi sa mga dayuhan.

Kung ang pinag-uusapan naman ani Angara ay ang mga kagamitan ng ibang mga bansa gaya ng China na kailangang i-operate ng mga eksperto, maari pa rin namang Pinoy ang gumawa nito basta’t bigyan lamang ng tamang training.

Sa ganitong pagkakataon sinabi ni Angara na mahalagang updated ang training na ibinibigayng TESDA sa mga Filipino workers upang makasabay din sila sa mga makabagong teknolohiya.

TAGS: chinese workers in the philippines, foreign workers, Senator Sonny Angara, Tesda, chinese workers in the philippines, foreign workers, Senator Sonny Angara, Tesda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.