DOH doctor, 6 na iba pa arestado sa buy-bust operation sa Mandaluyong

By Erwin Aguilon February 28, 2019 - 10:05 AM

Kuha ni Erwin Aguilon

Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Special Enforcement Service ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang doktor at anim na iba pa sa isang drug buy-bust operation sa California Garden Condominium sa Barangay hiway aHills sa Mandaluyong City.

Kinilala ang mga naaresto na sina Dr. Vanjoe De Guzman, Medical Officer IV ng DOH-NCR, Keanu Andrea Flores, Marketing Management student at lawn tennis varsity player ng Colegio de San Juan de Letran, Francis Gerald Fajardo, isang event organizer, Mohammad Abdullah Duga alias Shenin, Michael Melegrito Tan, Mohammad Arafa Morsy alias Rafa at Mark Adrianne Echauz

Ayon kay Dir. Levi Ortiz ng PDEA-SES noon pang November 2018 nila isinailalim sa surveillance ang doktor hanggang sa isagawa ang drug buy-bust operation kaninang hating gabi.

Sinabi ni Ortiz ginagawang drug den ang condo unit ng doktor kung saan nahuli ang kanyang mga parokyano at dalawang runner.

Ang naaresto din anyang doktor ang nagtuturok ng liquid shabu sa kanyang mga customer.

Karamihan ayon sa PDEA na kliyente nito ay mga young professionals at mga estudyante.

Inaresto ito habang inaabot ang nasa shabu sa pusher-buyer ng PDEA.

Nakuha ng mga otoridad ang shabu na nasa 50 gramo na P340,000 ang halaga, liquid ecstasy na nasa 200 ml na tinatayang P30,000 at mga drugs parapernalia.

May nakuha din na cellphone sa condo ng suspek kung saan nakita ang mga larawan at video na matapos magdrugs ay nagkakaroon ng sex orgy sa lugar.

Mariin naman itinanggi ang doktor ang paratang sa kanya at sinabing wala siyang alam sa ibinihintang ng PDEA.

TAGS: doh doctor, drug buy bust operation, Mandaluyong City, PDEA, doh doctor, drug buy bust operation, Mandaluyong City, PDEA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.