Dalawang mangingisdang Pinoy nailigtas sa West PH Sea

By Dona Dominguez-Cargullo February 28, 2019 - 09:59 AM

Dalawang mangingisdang Pinoy ang nailigtas ng mga tauhan ng Vietnamese Navy sa karagatang sakop ng West Philippine Sea.

Tumalon sa karagatan sina Conrigal Mandarcos, 30 anyos at Reynante Mandarcos, 34 anyos upang makatakas umano sa pagmamalupit na nararanasan nila sa pinagtatrabahuhang barko.

Kapwa residente ng Occidental Mindoro ang dalawa.

Mga tauhan ng Vietnamese Navy sa Son Ca Island ang nakatagpo sa dalawang mangingisda kung saan agad silang dinala sa Parola Island, isa sa mga Philippine-occupied islands sa West Philippine Sea.

Matapos ito ay agad silang naiturn-over sa Philippine Navy.

Sumailalim na sa physical at medical assessment ang dalawa at maayos naman pareho ang kanilang kondisyon.

TAGS: Filipino Fishermen, vietnamese navy, West Philippine Sea, Filipino Fishermen, vietnamese navy, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.