Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni PNP Chief Director General Oscar Abayalde, noon pa man ay malinaw na ang bilin nila sa mga regional director na bantayan ang kanilang hanay.
Hindi aniya mag-aatubili ang PNP na patawan ng parusa ang mga pulis na mapatutunayang sangkot sa illegal drug trade, EJK o pagtatanim ng ebidensya.
Dagdag pa ni Albayalde, bagaman madalas na alibi ng mga naaarestong drug suspect na sila ay tinaniman ng ebidensya ay hindi naman ito binabalewala ng PNP.
Maari aniyang totoo naman ang ilang alegasyon, kaya tuluy-tuloy ang imbestigasyon ng PNP hinggil dito.
BInanggit pa ni Albayalde na may mga nahuli na rin naman na mga tinaguriang “ninja cops” na sangkot sa illegal drug trade at ang mga ito ay napanagot na sa batas.