Paniniwala ng nakararaming Pinoy na sangkot sa EJK at drug trade ang mga pulis, hindi pinagsasawalang-bahala ng PNP

By Dona Dominguez-Cargullo February 28, 2019 - 09:29 AM

Hindi ipinagsasawalang-bahala ng Philippine National Police (PNP) ang resulta ng latest SWS survey kung saan lumitaw na nakararaming Pinoy ang naniniwala na sangkot ang mga pulis sa drug trade at extra-judicial killings.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni PNP Chief Director General Oscar Abayalde, noon pa man ay malinaw na ang bilin nila sa mga regional director na bantayan ang kanilang hanay.

Hindi aniya mag-aatubili ang PNP na patawan ng parusa ang mga pulis na mapatutunayang sangkot sa illegal drug trade, EJK o pagtatanim ng ebidensya.

Dagdag pa ni Albayalde, bagaman madalas na alibi ng mga naaarestong drug suspect na sila ay tinaniman ng ebidensya ay hindi naman ito binabalewala ng PNP.

Maari aniyang totoo naman ang ilang alegasyon, kaya tuluy-tuloy ang imbestigasyon ng PNP hinggil dito.

BInanggit pa ni Albayalde na may mga nahuli na rin naman na mga tinaguriang “ninja cops” na sangkot sa illegal drug trade at ang mga ito ay napanagot na sa batas.

TAGS: PNP chief Oscar Albayalde, Radyo Inquirer, sws survey, PNP chief Oscar Albayalde, Radyo Inquirer, sws survey

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.