Malacanang hindi natinag sa mababang rating ni Mar Roxas sa huling Pulse Asia survey

By Alvin Barcelona November 26, 2015 - 04:39 PM

mar-roxas-meet-inquirer
Inquirer file photo

Hindi naalarma ang Malacanan kahit pa naungusan na ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte si Liberal Party standard bearer Mar Roxas sa latest sa survey ng mga presidential candidates.

Reaksyon ito ng Palasyo sa pangunguna ni Duterte sa hanay ng mga gustong maging susunod na Pangulo ng bansa ng mga taga Metro Manila.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, ang mga public opinion polls tulad ng ginagawa ng Pulse Asia ay lalong nagpapa-igting sa interes ng publiko sa eleksyon.

Kaugnay nito, hinikayat ni Coloma ang mamamayan na palawakin ang partisipasyon nito sa election process.

Maaari aniya itong gawin sa pamamagitan ng pag-aaral sa plataporma at record sa serbisyo publiko ng bawat kandidato.

Base sa pinakahuling Presidential survey ng Pulse Asia sa National Capital Region ay nangunguna na si Duterte, pangalawa si Senadora Grace Poe, pangatlo si Vice President Jejomar Binay at malayong pang-apat si dating DILG Sec. Mar Roxas.

 

TAGS: binay, duterte, Malacañang, poe, roxas, binay, duterte, Malacañang, poe, roxas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.