Malakanyang umaasang tutuparin ng PLDT ang pangakong aayusin ang hotline 8888

Umaasa ang Palasyo ng Malakanyang na tutuparin ng Philippine Long Distance Telephone company o PLDT na aayusin na ang sistema ng hotline 8888 – ang complaint center ng pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nadidismaya kasi si Pangulong Rodrigo Duterte kung hindi nakapagsusumbong at hindi naipararating sa mga kinauukulan ang hinaing ng taong bayan.

Hindi maikakaila ayon kay Panelo na ang hotline na 8888 ang nagsisilbing tulay para maaksyunan ang reklamo.

Nangako na ang PLDT na dadagdagan pa ang kasalukuyang dalawampung linya ng hotline 8888.

Una nang pinagbantaan ni Pangulong Duterte na kapag hindi dinagdagan ang linya ng hotline 8888 ipasasara niya ang PLDT lalo’t may utang sa gobyerno na P8 bilyon.

Pero hindi na tinukoy ng pangulo kung ano ang ugat ng utang ng PLDT sa gobyerno.

Read more...