Ayon sa Federal Trade Commission (FTC) ang nasabing penalty na ipinataw sa TikTok ay dahil sa naging paglabag ng app nitong “Musical.ly”.
Ang TikTok ang operator ng “Musical.ly” at popular sa mga kabataan.
Sa desisyon ng FTC nabigo ang TikTok na kunin ang parental consent sa kanilang mga user na underage na isinasaad sa ilalim ng Children’s Online Private Protection Act.
Ayon sa FTC, alam ng TikTok na maraming bata ang gumagamit sa kanilang app pero bigo itong kumuha ng parental consent bago kulektahin ang pangalan, email address at iba pang impormasyon ng kanilang users na edad 13 pababa.
Ang ipinataw na penalty ang maituturing nang pinakamalaki sa kasaysayan na may kaugnayan sa children’s privacy sa Amerika.
Sinabi naman ng TikTok na sila ay tatalima sa kautusan.
Base sa datos ng TikTok, sila ay mayroong 500 million users sa buong mundo as of 2018.