Video app na TikTok pinagmulta sa US dahil sa ilegal na pagkuha ng impormasyon ng mga bata

By Dona Dominguez-Cargullo February 28, 2019 - 08:35 AM

Pinagbayad ng $5.7 million ng US authorities ang video sharing app na TikTok dahil sa ilegal na pagkulekta nito sa personal na impormasyon ng mga batang gumagamit sa kanilang app.

Ayon sa Federal Trade Commission (FTC) ang nasabing penalty na ipinataw sa TikTok ay dahil sa naging paglabag ng app nitong “Musical.ly”.

Ang TikTok ang operator ng “Musical.ly” at popular sa mga kabataan.

Sa desisyon ng FTC nabigo ang TikTok na kunin ang parental consent sa kanilang mga user na underage na isinasaad sa ilalim ng Children’s Online Private Protection Act.

Ayon sa FTC, alam ng TikTok na maraming bata ang gumagamit sa kanilang app pero bigo itong kumuha ng parental consent bago kulektahin ang pangalan, email address at iba pang impormasyon ng kanilang users na edad 13 pababa.

Ang ipinataw na penalty ang maituturing nang pinakamalaki sa kasaysayan na may kaugnayan sa children’s privacy sa Amerika.

Sinabi naman ng TikTok na sila ay tatalima sa kautusan.

Base sa datos ng TikTok, sila ay mayroong 500 million users sa buong mundo as of 2018.

TAGS: Children's Online Private Protection Act, Federal Trade Commission, Musical.ly, Radyo Inquirer, TikTok, US, video sharing app, Children's Online Private Protection Act, Federal Trade Commission, Musical.ly, Radyo Inquirer, TikTok, US, video sharing app

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.