5 arestado sa ilegal na droga sa Tondo, Maynila

By Ricky Brozas February 28, 2019 - 08:11 AM

MPD Photo
Arestado dahil sa iligal na droga ang limang katao sa Tondo, Manila.

Iyan ay matapos magsagawa ng anti-drug operation ang Station Drug Enforcement Unit ng Jose Abad Santos Police Station-7.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 ang kahaharapin ng mga suspek na sina Abraham Magtira, 52 anyos; Joanna Marie Luna, 33 anyos; Jethro dela Cruz, 35 anyos; Eduardo Vergara, 35 anyos at Wilfredo Concepcion, 49 anyos na pawang residente ng Brgy. 213, Tondo.

Nakuha sa mga suspek ang 10 sachet ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P2,000, 1-piraso ng glass tube pipe na may bakas ng marijuana at 2-piraso ng P200 bill na ginamit bilang marked money.

Ihaharap sa piskalya sa Maynila ang mga suspek ngayong araw sa pamamagitan ng imbestigador na si PO1 Remedios Cruz.
Excerpt:

TAGS: anti illegal drugs operation, manila, Tondo, War on drugs, anti illegal drugs operation, manila, Tondo, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.