Summit nina Trump at Kim umarangkada na
Umarangkada na ang ikalawang summit sa pagitan nina US President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong-un.
Nagpalitan ng pagbati at nagkamayan ang dalawa nang sila ay magkita sa capital ng Vietnam na Hanoi.
Ang pagkikita ay sinundan ng isang “social dinner” sa five-star na Metropole Hotel.
Ayon kay Trump, tiwala siyang magiging produktibo at matagumpay ang kanilang pulong ni Kim.
Aniya naniniwala din siyang hindi aatras si Kim sa usapin ng denuclearization ng Korean peninsula.
Sa panig naman ni Kim, sinabi nitong nagawa nilang malampasan ang mga balakid para maisagawa ang summit sa Vietnam.
Bahagi ng summit ang 20-minutong one on one chat ng dalawang lider.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.