2 patay kabilang ang hepe ng tanod sa isang barangay sa Talisay City

Patay sa pamamaril ang hepe ng mga tanod sa Barangay Tangke, Talisay City sa Cebu.

Pinagbabaril ang biktimang si Noriel Abay, Miyerkules (Feb. 27) ng gabi ng mga nakamotorsiklong suspek.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktima.

Ayon kay Chief Insp. Ardioleto Cabagnot, matapos pagbabarilin si Abay, agad tumakas ang mga suspek pero isang pedicab driver ang nagtangkang humarang sa mga ito.

Dahil dito, pinagbabaril din ang pedicab driver na nakilalang si Joel Melicer na ikinasawi nito.

Agad tumakas ang mga suspek matapos ang insidente.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen gayundin ang pagtugis sa mga suspek.

Read more...