Pagkalunod ng estudyanteng Pinoy sa Australia kinumpirma ng DFA
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang 24-anyos na Filipino student ang nalunod sa isang beach sa Queensland, Australia.
Sa pahayag ng DFA, sinabi nitong ang biktima ay estudyante ng Queensford College sa Brisbane at nalunod sa Flinders Beach sa North Stradbroke Island.
Nakikipag-ugnayan na ang Office of Migrant Workers Affairs sa pamilya ng estudyante para sa repatriation ng mga labi nito.
Ayon sa DFA ito na ang ikalimang insidente ng pagkalunod at pagkasawi ng mga Pinoy sa ibang bansa simula noong Jan. 2019.
Sa New Zealand, 2 Pinoy din ang nalunod kamakailan sa magkahiwalay na insidente, habang nalunod din at nasawi ang mag-asawang Pinoy habang nasa kanilang honeymoon sa Maldives.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.