Magsasaka pinatay ng kalabaw sa Iloilo

By Den Macaranas November 26, 2015 - 03:54 PM

A domestic water buffalo (carabao) in a field, Bohol, Philippines
Inquirer file

Dead-on-the-spot ang isang magsasaka makaraan siyang suwagin ng isang kalabaw na nauna nang naka-laban ng kanyang alagang kalabaw sa bayan ng Ajuy sa Iloilo.

Ang biktima na nagtamo ng malaking sugat sa kanyang tiyan at butas sa leeg ay nakilalang si Alfredo Amor, residente sa Brgy. Badiongan sa nasabing bayan.

Sa salaysay ni Aling Edith, misis ng biktima, nauna umanong sinugod ng nagwawalang kalabaw ang alaga nilang kalabaw na nakatali sa kanilang sinasakang bukirin.

Sinubukan umano ni Mang Alfredo na itaboy ang nagwawalang kalabaw subalit siya naman ang pinagbalingan nito.

Nabigla umano ang ilang mga magsasaka sa lugar nang biglang suwagin sa pamamagitan ng kanyang mga sungay ang nabiglang biktima.

Kaagad na kumuha ng pamalo ang mga nakasaksi kaya naitaboy ang nasabing kalabaw na pag-aari ng isa ring magsasaka sa kalapit na Brgy. Manlod sa bayan ng Barotac Viejo.

 

TAGS: Ajuy, carabao, DOS, Iloilo, Ajuy, carabao, DOS, Iloilo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.