Youtube, itinangging may ‘momo challenge’ sa kanilang website

By Rhommel Balasbas February 28, 2019 - 03:49 AM

Itinanggi ng video-sharing company na YouTube na walang indikasyong mayroong mga videos sa kanilang website at sa YouTube Kids na naglalaman ng ‘Momo Challenge’.

Ito ang pahayag ng kumpanya matapos sabihin ng ilang mga netizens na biglang lumalabas ang momo challenge sa mga pambatang videos.

Ayon sa YouTube, sa ilalim ng kanilang mga polisiya ay ipinagbabawal ang mga video na nanghihikayat na gumawa ng mga peligrosong aktibidad.

Iginiit pa ng kumpanya na kanilang tinatanggal ang mga videos na labag sa kanilang panuntunan.

Kaugnay nito, hinikayat ng YouTube ang netizens na ireport sa kanila ang mga videos na may inappropriate content.

TAGS: momo challenge, video-sharing company, videos, Youtube, YouTube Kids, momo challenge, video-sharing company, videos, Youtube, YouTube Kids

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.