Publiko hinikayat na ipanalangin ang kaligtasan ni Bishop David

By Rhommel Balasbas February 28, 2019 - 03:26 AM

Roman Catholic Diocese of Kalookan FB page

Nanawagan ang Diocese of Kalookan sa publiko na ipanalangin ang kaligtasan ni Bishop Pablo Virgilio David.

Ito ay matapos kumpirmahin ng obispo na nakatatanggap siya ng banta sa buhay sa nakalipas na dalawang linggo.

Sa kanilang Facebook page ay ibinahagi ng diyosesis ang panalangin para kay David.

Ibinahagi rin ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) o grupo ng mga lider ng iba’t ibang Catholic religious orders ang panalangin para sa obispo.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakatanggap ng text si dating Special Assistant to the President Christopher Bong Go mula kay Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle na may ilang Church officials at pari ang nakatatanggap ng death threats sa umano’y tao na nagtatrabaho sa pamilya ng presidente.

Si David na bise presidente rin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ay kilalang kritiko ng giyera kontra droga ng administrasyong Duterte.

Naniniwala ang obispo na ang pagkakalulong sa droga ay isang sakit na kailangang gamutin at hindi solusyon ang pagpatay.

Naglunsad si David ng community-based drug rehabilitation program sa Diocese of Kalookan na layong tulungan ang mga sangkot sa iligal na droga sa Caloocan, Navotas at Malabon.

TAGS: banta sa buhay, Bishop Pablo David, Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, CBCP, death threat, Diocese of Kalookan, giyera kontra droga, ipanalangin, Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle, banta sa buhay, Bishop Pablo David, Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, CBCP, death threat, Diocese of Kalookan, giyera kontra droga, ipanalangin, Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.