Ito ang pahayag ni Senator Antonio Trillanes IV sa banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipa-subpoena ang kanyang ina.
Sa isang talumpati ay sinabi ng Pangulo na ipapa-subpoena niya ang ina ni Trillanes na inakusahan nito ng maanomalyang business transactions sa Philippine Navy noong nasa militar pa ang Senador.
“Sumobra ka. We will initiate an investigation kagaya mo and I will subpoena your mother sa ayaw mo’t sa hindi. Baka sabihin mong walang power, there is. We also have the contempt power but we have to go to court,” ani Duterte.
Pero minaliit ni Trillanes ang bagong banta ng Pangulo.
Mula pa anya noong Sityembre ay pinaiimbestigahan na ni Duterte sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang akusasyon laban sa kanyang ina.
Pero hanggang ngayon anya ay walang ebidensya si Duterte na magpapatunay ng anyay walang basehang alegasyon.
“Now, Duterte is threatening to subpoena my mother. Just do it and let it be another humiliating episode for you like the fake offshore bank accounts you alleged against me. Mahirap dito kay Duterte hindi lang ako kaya, kaya ang nanay kong may sakit ang pinagdidiskitahan. Sige lang, do your worst while I count the days…”pahayag ni Trillanes.