Ban sa mga lalaki na ‘riding in tandem’ pinag-aaralan ng MPD

By Len Montaño February 28, 2019 - 03:05 AM

Pinag-aaralan ng Manila Police District (MPD) chief Sr. Supt. Vicente Danao Jr. na ipatupad ang ban sa mga lalaki na “riding in tandem” o magkasamang nakasakay sa motorsiklo sa Maynila.

Pahayag ito ni Danao kasunod ng ambush sa dalawang hired killers na kagagawan ng mga riding in tandem.

Titingnan ng pulisya kung pwedeng ipatupad ang pagbabawal sa riding in tandem.

Maganda anya ang layon ng hakbang na maiwasan ang anumang pangyayari.

Noong Lunes, nasa gitna ng police transport ang naarestong gun for hire suspects na sina Apolonio Flores at Prince Patrice Cortez nang pagbabarilin sila ng mga lalaking nakasakay sa motorsiklo.

Ayon kay Danao, nakakalungkot na pinatay sina Flores at Cortez dahil makakatulong ang kanilang testimonya sa imbestigasyon ng pulisya sa extra judicial killings.

Magiging pabor anya ang pag-amin ng dalawa para sa mga otoridad na inaakusahang sakot sa EJK.

Ang Mandaluyong ay una nang nagpatupad noong 2014 ng ban sa riding in tandem para maiwasan ang krimen.

TAGS: ban, ejk, Gun for hire, hired killers, MPD, riding in tandem, Sr. Supt. Vicente Danao Jr., ban, ejk, Gun for hire, hired killers, MPD, riding in tandem, Sr. Supt. Vicente Danao Jr.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.