HOV traffic scheme inihihirit muli ng MMDA

By Rhommel Balasbas February 28, 2019 - 02:25 AM

Matapos ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang problema sa trapiko sa EDSA na lang ang bukod tanging hindi niya nasosolusyonan, pinalutang ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagbuhay sa high occupancy vehicle (HOV) traffic scheme sa EDSA.

Sa ilalim ng naturang traffic scheme, bawal bumyahe sa EDSA ang mga pribadong sasakyan na drayber lamang ang laman tuwing rush hour.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, ang malaking problema talaga sa EDSA ay ang bilang ng mga sasakyan.

Mababawasan lamang anya ang volume ng mga sasakyan sa pamamagitan ng carpooling.

Giit ni Garcia, napakarami ng traffic scheme na ipinatutupad sa EDSA gaya ng yellow lane policy, no- contact apprehension, pagbabaklas ng mga ilegal na terminal at iba pa pero napakatindi pa rin ng problema sa trapiko.

Nauna nang iminungkahi ng MMDA ang HOV scheme noong Agosto 2018 ngunit mariin itong tinutulan ng Senado.

Sa susunod na meeting ng Metro Manila Council ay muling ilalatag ni Garcia ang HOV scheme.

Anya, kapag lumuwag naman ang trapiko sa EDSA ay makikinabang dito ay ang mga commuters o yaong walang pambili ng mga sasakyan.

TAGS: carpooling, edsa, High Occupancy Vehicle, HOV Scheme, Metro Manila Council, mmda, no-contact apprehension, rush hour, traffic scheme, yellow lane policy, carpooling, edsa, High Occupancy Vehicle, HOV Scheme, Metro Manila Council, mmda, no-contact apprehension, rush hour, traffic scheme, yellow lane policy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.