Malakanyang, kumambyo sa banta ng China na deportation ng Filipino workers
Kumambyo ang Palasyo ng Malakanyang sa pahayag na pinagbantaan ng China ang mga Filipino workers doon na ipadedeport sa bansa kung illegal na palalayasin ang mga Chinese workers sa Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi pagbabanta ang ginawa ni Chinese Ambassador Zhao Jinhua kundi pagpapahayag lamang.
Gayunman, sinabi ni Panelo na nanatili aniya ang polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatutupad ang immigration laws sa mga dayuhang illegal na nagtatrabaho sa bansa.
Una rito, sinabi ng Pangulo na dapat na hayaan lamang ang mga Chinese workers sa bansa sa pag aalalang palayasin sa China ang mga pinoy workers doon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.