Dumami ang nagka-dengue sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao sa unang dalawang buwan ng 2019.
Ayon sa Department of Health (DOH), mahigit 4,000 na ang kaso ng dengue sa naturang mga rehiyon.
Ito ay 231 percent na mas mataas sa nakalipas na record na 1,232 sa parehong panahoon noong nakaraang taon.
Ayon sa ahensya, nasa 29 na ang namatay sa dengue sa nasabing mga lugar.
Sinabi ng DOH regional office na may ilang lugar sa Cebu at Bohol na umabot na sa dengue outbreak level.
Nagsasagawa naman na ng mga paglilinis at fumigation ang mga lokal na otoridad laban sa sakit.
Samantala, nasa “alert threshold” na ang kaso ng dengue sa Zamboanga Peninsula matapos na 1,300 pasyente ang nagkasakit mula Enero hanggang Pebrero at siyam sa mga ito ay namatay.
Ayon sa World Health Organization (WHO), nakamamatay ang dengue na nata-transmit sa mga tao ng lamok na Aedes aegypti.
Ilang sa mga sintomas ng dengue ang mataas na lagnat na may kasamang sakit ng ulo, pagkahilo, pagsusuka, muscle at joint pains, rashes at pagdurugo.