Lalaking may kasong rape, timbog matapos kumuha ng police clearance

By Rhommel Balasbas February 28, 2019 - 01:31 AM

Arestado ang isang lalaking may nakabinbin pang kasong rape matapos itong magtangkang kumuha ng police clearance sa Makati City Miyerkules ng hapon.

Ayon sa Makati City Police, kumukuha ng police clearance si Marlon Ulep, 42 anyos nang lumitaw sa record na mayroong warrant of arrest laban sa kanya sa kasong rape.

Ang warrant ay inilabas ni Executive Judge Noberto Quisimbing Jr. ng Imus, Cavite Regional Trial Court Branch 21.

Depensa ng suspek, hindi niya alam na may kaso siya.

Bagaman alam niyang inireklamo siya ng hipag ng rape noon ay iginiit nito na nagkaayos na sila kaya’t hindi na siya sumipot sa korte.

Nagbabala naman ang pulisya na agad na mahuhuli ang mga taong magtatangkang kumuha ng clearance dahil malawak ang kanilang online database.

TAGS: makati city, Makati City Police, police clearance, rape, warrant of arrest, makati city, Makati City Police, police clearance, rape, warrant of arrest

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.