Kris Aquino kay Phillip Salvador: ‘I made the mistake of loving you’

By Len Montaño February 28, 2019 - 12:55 AM

Screengrab of Kris Aquino FB live

Binuweltahan ni Kris Aquino ang dati nitong partner na si Phillip Salvador dahil sa anyay nakakasakit na skit kasama si senatorial candidate Bong Go kaugnay ng dati nilang relasyon.

Sa kanyang Facebook live, emosyunal na sinagot ni Kris ang isyung naloko siya ni Phillip na ginamit nina Go at ng aktor sa ilang kampanya.

Unang ipinakita ng aktres ang palitan ng linya nina Go at Salvador sunod ang isa pang video ng paghingi ng paumanhin ng dating Special Assistant to the President kay Kris.

Nangako si Go na hindi na nila gagamitin ang naturang joke sabay sabi na ang mahalaga lamang ay mapatawa ang mga tao dahil puro pulitika na lang ang naririnig.

Ayon kay Kris, tinawagan siya ni Go Martes ng gabi at nag-sorry. Hanga umano ang aktres kay Go dahil nagpakalalaki ito na tawagan siya.

Pero hindi anya ito nangangahulugan na nakalimutan na niya ang sakit pero humanga siya kay Go na tinawagan siya.

Sa puntong ito ay inisa-isa na ni Kris ang sama ng loob kay Phillip. Mula sa hindi nito pagpapakita sa anak nilang si Joshua, hindi pagbibigay ng suporta at ang sakit na dulot ng “naloko” joke.

Aminado si Kris na nagkamali siyang minahal ang aktor. Sana anya ay naisip ni Phillip ang anak nila na hindi naman siya sinaktan at nagmamahal sa kanya.

Sa huli ay sinabi ni Kris na hindi ito tungkol sa pulitika at ang kanya pang magagawa para maging mabuting ina kay Josh.

TAGS: bong go, joke, Joshua, kampanya, Kris Aquino, naloko, Phillip Salvador, Pulitika, bong go, joke, Joshua, kampanya, Kris Aquino, naloko, Phillip Salvador, Pulitika

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.