WATCH: 5 sasakyan nagkarambola sa Las Piñas

By Len Montaño February 28, 2019 - 12:11 AM

Isang unit ng Reinalyn Bus ang dahilan ng karambola ng limang sasakyan sa Alabang-Zapote Roas sa Las Piñas.

Sa Facebook video ni Mikhail Argel Tan, mapapanood ang pagbunggo ng bus sa likurang bahagi ng isang kotse.

Ito ay matapos na masagi ng kotse ang sasakyan ni Tan.

Sinabi ni Tan sa Inquirer.net na ayon sa driver ng bus, nawalan daw ito ng preno at kahit anong kontrol niya ay wala na siyang nagawa.

Napinsala sa karambola ang dalawang Mitsubishi Mirage, dalawang Mitsubishi Montero at isang Toyota Altis.

Wala namang detalye kung may nasaktan sa insidente.

TAGS: alabang zapote road, karambola, nawalan ng kontrol, preno, Reinalyn Bus, alabang zapote road, karambola, nawalan ng kontrol, preno, Reinalyn Bus

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.