Sa programang Raw Talk sa Radyo Inquirer/Inquirer 990 Television, binanggit ni Angara ang malalaking batas na naaprubahan ni Pangulong Duterte.
“People may not agree on his [Duterte] strong anti-drug policy and controversial pronouncement but on the whole he’s been good to the country…kasi napasa ang free college, universal health care…expanded maternity leave, di ba sabi anti-women siya?” ani Angara.
“Nako-quote siya sa controversial statements but if you look beneath the surface, what is changing with the structures of the government, of the institution, aba eh maganda,” dagdag ng Senador.
Ayon kay Angara, ang mga batas na naaprubahan ngayon ay mga reporma na pakikinabangan ng bansa kahit matapos na ang administrasyon ni Pangulong Duterte.
Giit pa ni Angara, kailangan ang mga “good and decisive” leaders at iyong anya ay may political will.
Target ni Angara ang reelection sa halalan sa Mayo at sa ngayon anya ay hindi pa dapat isipin ang mas mataas na posisyon dahil marami pang isyu na dapat harapin bilang mambabatas.
“The biggest issue is still the same…jobs, kulang tayo ng trabaho sa bansa. Mabuti ang edukasyon pero kung walang trabaho, magiging OFW lang ang mga kababayan natin. Build, build, build helps…pero kailangang ayusin ang agrikultura, turismo,” paliwanag ni Angara.
Ito na ang pang-limang kampanya ni Angara makalipas ang tatlong termino bilang kongresista at naka-isang termino na ito bilang senador.