Pero tiniyak sa publiko ni San Carlos Diocese Bishop Gerardo Alminaza, na may hurisdiksyon sa pari, hindi makikialam ang Simabahan sa imbestigasyon para lumabas ang katotohanan.
Kasabay anya ng ligal na proseso ang sariling canonical process kung saan kabilang ang pagbibigay ng pastoral care sa umanoy biktima at akusado at sinumang kasama sa imbestigasyon.
Parehong tumanggi ang obispo at ang pulisya na pangalanan ang pari at ang parokya kung saan ito nakatalaga.
Kinasuhan ang pari sa city prosecutor’s office sa Cadiz dahil sa paglabag sa Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Ito ay kasunod ng reklamo ng mga magulang ng bata na umanoy minolestya ng pari.
Ayon kay Chief Insp. Robert Mansueto, acting Cadiz police chief, ang biktima ay daycare pupil ng simbahan kung saan nakatalaga ang pari at kung saan secretary ang ina.
Bagamat walang penetration, lumabas sa medical examination na ginalaw ang pribadong bahagi ng bata.
Base pa sa testimonya ng bata, hinalikan umano siya ng pari at ilang beses ginalaw ang kanyang private part, pinakahuli noong February 8.
Pero itinanggi ito ng pari at haharapin umano nito ang reklamo para patunayan na siya ay inosente.