Pari sa Negros Occidental, tinanggal sa parokya dahil sa umanoy pagmolestya sa bata

By Len Montaño February 27, 2019 - 10:34 PM

Tinanggal ang isa pari sa parokya nito sa Cadiz City, Negros Occidental matapos magsampa ng kaso ang pulisya laban sa kanya dahil sa umanoy pagmolestya sa isang 4 anyos na batang babae.

Pero tiniyak sa publiko ni San Carlos Diocese Bishop Gerardo Alminaza, na may hurisdiksyon sa pari, hindi makikialam ang Simabahan sa imbestigasyon para lumabas ang katotohanan.

Kasabay anya ng ligal na proseso ang sariling canonical process kung saan kabilang ang pagbibigay ng pastoral care sa umanoy biktima at akusado at sinumang kasama sa imbestigasyon.

Parehong tumanggi ang obispo at ang pulisya na pangalanan ang pari at ang parokya kung saan ito nakatalaga.

Kinasuhan ang pari sa city prosecutor’s office sa Cadiz dahil sa paglabag sa Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Ito ay kasunod ng reklamo ng mga magulang ng bata na umanoy minolestya ng pari.

Ayon kay Chief Insp. Robert Mansueto, acting Cadiz police chief, ang biktima ay daycare pupil ng simbahan kung saan nakatalaga ang pari at kung saan secretary ang ina.

Bagamat walang penetration, lumabas sa medical examination na ginalaw ang pribadong bahagi ng bata.

Base pa sa testimonya ng bata, hinalikan umano siya ng pari at ilang beses ginalaw ang kanyang private part, pinakahuli noong February 8.

Pero itinanggi ito ng pari at haharapin umano nito ang reklamo para patunayan na siya ay inosente.

TAGS: bata, Cadiz, child molestation, ginalaw, hinalikan, minolestya, Negros Occidental, pari, parokya, penetration, private part, bata, Cadiz, child molestation, ginalaw, hinalikan, minolestya, Negros Occidental, pari, parokya, penetration, private part

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.