De Lima: Pangakong proteksyon ni Duterte sa mga pari joke lang

By Jan Escosio February 27, 2019 - 07:09 PM

Hindi dapat pagkatiwalaan si Pangulong Rodrigo Duterte sa pahayag nito na mananagot sa kanya ang sinuman na mananakit sa mga obispo at pari ayon kay Senator Leila De Lima.

Katuwiran ni De Lima, una nang hinikayat ni Pangulong Duterte ang mga tambay na pagnakawan ang kanilang mga obispo dahil sa mayayaman ang mga ito at patayin kung papalag.

Kaya’t ayon sa senadora, ang huling pahayag ng punong ehekutibo ay maaring isa lang sa kanyang mga patawa o biro at hindi dapat seryosohin at itratong totoo.

Aniya maaring ang mga sumusuporta sa pangulo ang sumeryoso sa kanyang pagbabanta sa mga taong-simbahan.

Sinabi pa ni De Lima na maaring naghuhugas-kamay lang si Pangulong Duterte katulad ni Pontio Pilato.

TAGS: Bishop Pablo David, CBCP, de lima, drugs, duterte, joke, Bishop Pablo David, CBCP, de lima, drugs, duterte, joke

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.