outbrain

Trillanes: Mapapahiya lang si Duterte kapag ipina-subpoena ang nanay ko

By Den Macaranas February 27, 2019 - 02:47 PM

Hinamon ni Sen. Antonio Trillanes IV na ituloy ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagpapa-subpoena sa kanyang ina sa anumang pagdinig na gusto ng pangulo.

Sa ganitong paraan anya ay muling mapapahiya sa publiko si Duterte tulad ng mga naging akusasyon nito na may mga itinatagong bank account sa abroad ang mambabatas.

Nauna dito ay sinabi ni Duterte na sangkot sa ilang maanomalyang transaksyon sa Philippine Navy ang ina ni Trillanes noong aktibo pa ang asawa nito sa militar.

Inihalintulad pa ng pangulo sa modus umano ni Janet Lim Napoles ang ginagawa noong araw sa militar ni Ginang Estelita Trillanes na ngayon ay 84-anyos na at may sakit na Parkinson’s disease.

Naunang nasangkot ang ina ni Trillanes sa palitan ng mga akusasyon ng pangulo at mambabatas makaraang sabihin ng senador na naging abogado lamang si Duterte dahil sa pakiki-alam ng ama nito na dating gobernador sa Davao province.

Sinabi ng pangulo na mali si Trillanes dahil nasa kolehiyo pa lamang siyang nang mamatay ang kanyang ama.

Bilang bwelta ay hinalungkat ng pangulo ang military background ni Trillanes tulad ng kawalan umano nito ng karanasan sa aktuwal na labanan dahil mas pinili ng dating navy young officer na manatili sa mga opisina sa Philippine Navy.

Hindi rin umano na-obliga si Trillanes na i-deploy sa mga lugar na may labanan dahil sa impluwensya ng ama nito na dating opisyal ng militar.

TAGS: antonio trillanes, duterte, Estelita Trillanes, napoles, navy, scam, antonio trillanes, duterte, Estelita Trillanes, napoles, navy, scam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.