Fuel smuggling tinututukan na ng pamahalaan

Tinututukan na ng pamahalaan ang paglaban sa fuel smuggling sa bansa.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Finance Assistant Secretary Tony Lambino na aabot sa 44 bilyong pisong buwis ang nawawala sa kaban ng bayan kada taon dahil sa fuel smuggling.

Bumuo na aniya ang pamahalaan ng Task Force Anti-Crime Council of the Philippines na tututok sa fuel smuggling.

Bumili na rin aniya ang pamahalaan ng fuel markings na susuri sa mga smuggled fuel.

Ayon naman kay Customs Deputy Commissioner Teddy Raval, mayroon nang mga smuggler ang nahuli.

Gayunman, hindi mabatid ni raval kung nakasuhan na ang mga may-ari ng smuggled fuel.

Read more...