Kailangang gawin ang shutdown ayon sa Maynilad para sa kanilang major repair works at maintenance activities sa mga pasilidad.
Sa kasagsagan ng shutdown sinabi ng Maynilad na magsasagawa sila ng interconnection sa kanilang bagong kabit na water pipes sa Barangay Commonwealth at Payatas upang mas mapabuti pa ang water services sa West Zone.
Dahil sa shutdown, ilang lugar sa Valenzuela City ang mawawalan ng suplay ng tubig.
Sa Valenzuela, 16 na oras na mawawalan ng suplay ng tubig mula alas 10:00 ng gabi ng March 4 hanggang alas 4:00 ng madaling araw ng March 6 ang Barangay Ugong partikular ang Hobart Phase 1 and 2 at ang Doña Marciana Subdivision.
Parehong petsa at oras din ang ipatutupad na water service interruption sa sumusunod na mga barangay sa Quezon City:
– Bagbag
– Bagong Silangan
– Greater Fairview
– Gulod
– Holy Spirit
– Nagkaisang Nayon
– North Fairview
– San Bartolome
– Santa Lucia
– Santa Monica
– Sauyo
– Talipapa
Apektado ang mga barangay Batasan Hills, Commonwealth at Payatas.
Pinayuhan ng Maynilad ang mga maaapektuhang residente na mag-ipon na ng sapat na tubig na kanilang kakailanganin.
Maari ding ma-delay pa ang pagbabalik ng suplay ng tubig sa kanilang lugar depende sa taas ng lugar, layo nito sa pumping stations, at dami ng gumagamit ng tubig.