Mag-ina arestado sa pagpatay sa 5 nilang kaanak sa Pennsylvania

By Dona Dominguez-Cargullo, Lyle Kaye Returco - Radyo Inquirer Intern February 27, 2019 - 12:18 PM

Arestado ang mag-ina sa Pennsylvania sa Amerika dahil sa pagkakasangkot sa pagpaslang sa lima nilang kaanak.

Kinilala ang mga suspek na sina Shana Decree, 45 anyos, at ang anak nitong si Dominique Decree, 19 anyos.

Nahaharap ang mag-inang suspek sa 5 bilang ng kasong murder at isang kasong conspiracy.

Ayon sa mga otoridad, umamin ang mag-ina na sangkot sila sa pagpaslang at kabilang sa pinatay ang tatlong bata na anak mismo ni Shana.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Naa’Irah Smith, 25 anyos at Damon Decree Jr, 13 anyos kapwa anak ni Shana. Kapatid ni Shana na si Jamilla Campbell, 42, at ang kambal na anak ni Campbell na sina Imani at Erika Allen, 9 anyos.

Inaalam pa ng otoridad ang motibo sa pagpatay sa mga biktima.

TAGS: crime, mother and daughter, Murder, pennsylvania, crime, mother and daughter, Murder, pennsylvania

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.