Problema sa local terrorists tutuldukan na ng Duterte Administration – Esperon
Kumpiyansa si National Security Adviser (NSA) Secretary Hermogenes Esperon matatapos na ang usapin ng mapapayagpag ng mga local terrorist gaya ng New People’s Army (NPA) sa mga kanayunan.
Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Esperon na pinalalakas ng Duterte Administration ang intelligence monitoring sa mga kanayunan upang matukoy ang kinaroroonan ng mga NPA.
Paliwanag ng kalihim sapat ang pondo ng pamahalaan upang tugunan ang mga pangangailangan para tiktikan ang mga galaw ng mga teroristang grupo na planong maghasik ng kaguluhan sa bansa.
Giit ni Esperon hindi magiging matagumpay ang kanilang mga programa kung walang suporta mula sa mamamayang Pilipino na makiisa sa mga adhikain ng pangulo na magkaroon ng mapayapa at matiwasay na pamumuhay sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.