Comelec nagsagawa ng operation baklas sa Maynila

Comelec Photo

Umarangkada na ang operation baklas ng Commission on Elections sa Maynila.

Ayon kay Enrique Santos, election officer ng Comelec – Manila at team leader ng Operation Baklas layon ng naturang hakbang na linisin ang pangunahing daanan sa lungsod ng Maynila mula sa mga election posters na lumalabag sa panuntunan ng poll body.

Paalala ni Santos sa mga kandidato na sumunod sa tamang poster area at sundin din ang tamang laki ng mga posters.

Kabilang sa tinanggal sa operasyon ang campaign posters ng mga national candidates na wala sa mga common poster area kasama ang mga mga nakasabit sa puno, kawad ng kuryento o paaralan.

Damay din ang mga higanteng tarpaulins na mas malaki sa standard size na 2×3 feet.

Read more...