LOOK: Groundbreaking ceremony para sa Metro Manila subway
Nagsagawa na ng groundbreaking ceremony para sa Metro Manila subway – ang kauna-unahang underground rail system na itatayo sa Pilipinas.
Idinaos ang seremonya sa Valenzuela City na hudyat ng pormal na pag-uumpisa ng konstruksyon ng subway.
Ang 36-kilometer subway ay magsisimula sa bahagi ng Valenzuela at dire-diretso hanggang sa Ninoy Aquino International Airport.
Ang depot ng subway ay itatayo sa bahagi ng Brgy. Ugong sa Valenzuela.
Dumalo sa seremonya sina DOTr Sec. Arthur Tugade, DPWH Sec. Mark Villar, Executive Sec. Salvador Medialdea, Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, Quezon City Mayor Herbert Bautista at iba pang mga opisyal.
Kasabay ng groundbreaking, iginawad din ng DOTr ang Certificate of Entitlements sa nasa 20 pamilya na maaapektuhan ng proyekto sa lungsod.
Sila ay ire-relocate ng pamahalaan.
Sa kabuuan ng proyekto, tinatayang aabot sa 183 na pamilya ang maaapektuhan at lahat sila ay bibigyan ng malilipatan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.